Dear Alexa,

(isinulat ko ito noong Feb. 5, 2016)

Namimiss na kita. Ikaw yung babaeng lagi akong napapatawa. Ang saya natin tuwing magkasama. Hindi nahihiyang tumawa ng malakas kahit nasa mga pampublikong lugar at pampublikong sasakyan. Napaka baliw natin kapag magkasama. Masaya lang. Sobra.

Kaya siguro minahal kita eh. (At patuloy na minamahal) Wala kang arte sa katawan. Mas maarte pa nga ako sabi mo. Maarte in a way na gusto ko malinis. Gusto ko malinis yung pagkain na kakainin natin, yung bagay na hahawakan natin, yung lugar na pupuntahan natin. Ayokong madumi o narurumihan.

Lagi akong may baon na knock knock jokes at pick-up lines. Napaka taba ng utak natin pagdating sa lokohan. Syempre, ikaw yung cheerleader ko. Wala pa yung joke, tatawa ka na agad. Ako naman, napaka mean ko sayo. Kapag hindi ko nagustuhan, magagalit pa ako sayo. Pero kahit corny ka, mahal kita. Alam mo yan. At love mo din ako. Alam ko yan. 😘

Hindi ako nagkamali na kaibiganin ka. Sobrang naging close agad tayo. Araw-araw magkasama. Naging issue pa tayo sa school. Sobrang daming nagagalit satin sa room dahil sobrang sweet daw natin. Kahit mga teachers na makakasalubong natin, tinatanong tayo kung TAYO NA BA. Syempre, “hindi” ang sagot natin dahil hindi naman talaga. Masaya lang tayo. At sweet sa isa’t isa. Parang tayo, pero hindi tayo. Naging “Couple of the Night” pa tayo. Sa dinami-rami ng tao sa buong school, tayo pa. Proud din ako nun dahil naging “Face of the Night” din ako. Nandun ka sa harap ng stage. Tuwang-tuwa kang pinipicture-an ako at kitang-kita sa mga mata mo na proud ka din at masaya para sakin.

Magkasama kahit saan. Kahit kelan. Kulang nalang pati sa pag ligo at pagpunta sa cr para umihi. Buong taon ng 4th yr HS, tayo lang ang magkasama. Seatmate. Checkmate. Quizmate. Ka-group sa projects. Haha.

Alam kong palagi kang nandyan para saken. Lahat gagawin mo para sakin. Kahit nga mga assignments na nakalimutan ko or may mga oras na tinatamad ako, ikaw yung nagmomotivate saken na gumawa, gumalaw at maging magaling. Minsan, ikaw pa yung nagpapa-print ng mga homeworks ko. Haha. At ako naman ang nagpapakopya sayo tuwing may biglaang quiz or pa-exam.

Sabi ko pa sa nanay mo na “Nakakapagtaka nga po kung bakit nakasama yang anak niyo sa top 10 eh nangongopya lang po saken yan. Ako pa po ‘tong nawala sa ranking.” Hahaha. Sobrang bait ng mama mo. Nagkwento siya sakin about sa mga past relationships mo. Na lagi kang sinasaktan at pinapaiyak. Wala daw nakakapag tahan sayo. Nagwawala ka na. At hindi ko alam kung pabiro mong sinabi na “Si cedric na ang sunod.” Ang sabi ng nanay mo “Naku! Wag. Wag na muna ced. Ayoko nang maging ganun siya. Aral muna. Bata pa naman kayo.”

January 2015?

Naalala mo nung nasa Milktea House tayo? Yung sabay tayong “May sasabihin ako sayo…….”
Syempre sinabi ko na mauna ka na. Nakikipagtalo ka na naman na ako na ang mauna. Pero dahil alam mo namang ako lagi ang nasusunod, ikaw na ang naunang magkwento. Haha.

Kinuwento mo sakin na yung lalaking sinasaktan ka lang at binabalewala ka lang ay mahal mo pa rin. Na minamahal mo pa rin. Nalungkot ako nun. Kasi akala ko okay na, naka move on ka na. Kasi masaya na tayo. At gusto mo na din ako. Kaso ayun, mahal mo pa pala yung gagong yun.

Pagkatapos mo magkwento, sabay tanong mo na “Oh, ikaw naman. Ano yung sasabihin mo?”

Sinabi ko nalang na…. may nagugustuhan akong babae. Nangungulit ka kung sino. Anong pangalan. Taga saan. Pero sinabi kong “secret muna.” *sabay ngiti at kindat*

Pero ang totoo kasi sasabihin ko na sana na gustong gusto na kita at na-fall na din ako sayo nun. Kaso, mahal mo pa rin siya. Gusto mo lang ako. Magkaiba pa rin yun. Tinanggap ko yun. Naghintay ako (at hanggang ngayon naghihintay pa rin.) Humahanap lang ako ng tyempo. Alam ko at alam nilang lahat na naghihintayan pa rin tayo hanggang ngayon.

Hinihintay pa rin kita.

Hangang ngayon, hinihintay pa rin kita.

Hihintayin kita. Kahit ilang taon pa ang lumipas. Naniniwala akong tayo ang magsasama sa huli. Tayo. Walang iba. Tayo lang.

Hihintayin kita. Hindi ako susuko. Hindi ako mapapagod kakahintay sayo.

Hihintayin kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s